Wednesday, October 3, 2012

Kuwentong 6x6




Walong Diwata ng Pagkahulog

Karl Daniel ang tunay kong pangalan.
Lumaki ng walang magulang sa Atisan.
Nabuhay sa piling ng aking tiyuhin.
Pumunta sa Boracay. Katotohanan ay hinahanap.
Sino ba talaga ang aking ama?
Hindi ko namalayan, naghihintay ay kamatayan.



Sunday, September 23, 2012

Wifi

Wifi

Wifi ang sigaw ng bayan,
bayan ng mga mayaman.
Mayaman ang mga tao,
mga tao pa ba tayo?

Tayo itong hindi makakain,
hindi makakain dahil hirap.
Hirap mawala sa piling ng cellphone,
cellphone na laging hanap ay wifi.


Monday, September 10, 2012

Ligaw na Manananggal







Ligaw na Manananggal


(Tanaga)

Ang matandang dalaga,
nakasakay sa baka.
Nang matanaw, kay ganda,
ay manananggal pala.

(Dalit)

Binibining epektibo,
mistisong mistiso mismo.
Pero kung sisilipin mo,
putol ulo mo, seryoso.

Saturday, July 7, 2012

Intact OA #1


Wilbert Xeryus S. Uy Jr. 124764

1. Having the LS Dress Code imposed was enough to discipline students. Although the dress code is not that strict compared to others, still students have the right to express themselves in a better way. I believe that the LS Dress Code is relevant to all of us not only it guides us towards a better future but also the name of our school relies on it.

2. Plagiarism is as bad as stealing. Claiming someone else’s work as if it is yours is just not right. Plagiarizing often occurs when we cram. Even if we did it on purpose or not, the law is still the law. Certainly, no one would like someone to steal their ideas. I think that everyone of us has the right to receive the credit we deserve from our doings.  

Thursday, June 21, 2012

K.K.K.


K.K.K.
(Kabataan, Kalokohan, Kaibigan)
Wala nang mashihigit pa sa pagmamahal na aking nakukuha,
Kahit galling man ito sa inyo o sa aking pamilya,
Ang pagmamahal sa isang tao ay napakahalaga,
Kaya’t mahalin din natin sila, kung ayaw mo ang huli na.

Kung pag-ibig sa kasalungat na kasarian ang ating pag-uusapan,
Mga binata’t dalaga’y nangunguna diyan,
Pagdating sa pagmamahalan, hindi inaatrasan,
Abutin man ng gabi, o ng kinaumagahan.

Kapag ikaw ay may napusuan, nag-iiba ang iyong tinig,
Kahapon ay itlog ka lang, ngayon ay sisig,
Nagkadikit lang ang inyong mga bibig
Kala mo’y kung sino itong baliw na kinikilig

Talaga itong mga kabataan, punong-puno ng kalokohan,
Pagdating man sa biruan hanggang sa landian,
Akala mo’y wala ng bukas ang kanilang pinagsamahan
Kaya madalas nauuwi sa paglaki ng tiyan.

May munting payo ako sayo aking kaibigan,
Kung talagang mahal mo siya, hindi mo siya sasaktan,
Kung talagang mahal ka niya, hindidi ka niya iiwan,
Mag-ingat lamang sa kalokohan, baka mauwi sa putukan

Pero hinay-hinay lamang aking kaibigan,
Huwag masyadong mag madali, mahina ang kalaban,
Kung hindi kayo para sa isa’t isa, marami pa naman diyan.
Mag-aral kasi muna, dahil ang pag-ibig ay kusang dumarating, maghintay ka lang.