Thursday, June 21, 2012

K.K.K.


K.K.K.
(Kabataan, Kalokohan, Kaibigan)
Wala nang mashihigit pa sa pagmamahal na aking nakukuha,
Kahit galling man ito sa inyo o sa aking pamilya,
Ang pagmamahal sa isang tao ay napakahalaga,
Kaya’t mahalin din natin sila, kung ayaw mo ang huli na.

Kung pag-ibig sa kasalungat na kasarian ang ating pag-uusapan,
Mga binata’t dalaga’y nangunguna diyan,
Pagdating sa pagmamahalan, hindi inaatrasan,
Abutin man ng gabi, o ng kinaumagahan.

Kapag ikaw ay may napusuan, nag-iiba ang iyong tinig,
Kahapon ay itlog ka lang, ngayon ay sisig,
Nagkadikit lang ang inyong mga bibig
Kala mo’y kung sino itong baliw na kinikilig

Talaga itong mga kabataan, punong-puno ng kalokohan,
Pagdating man sa biruan hanggang sa landian,
Akala mo’y wala ng bukas ang kanilang pinagsamahan
Kaya madalas nauuwi sa paglaki ng tiyan.

May munting payo ako sayo aking kaibigan,
Kung talagang mahal mo siya, hindi mo siya sasaktan,
Kung talagang mahal ka niya, hindidi ka niya iiwan,
Mag-ingat lamang sa kalokohan, baka mauwi sa putukan

Pero hinay-hinay lamang aking kaibigan,
Huwag masyadong mag madali, mahina ang kalaban,
Kung hindi kayo para sa isa’t isa, marami pa naman diyan.
Mag-aral kasi muna, dahil ang pag-ibig ay kusang dumarating, maghintay ka lang.